top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Utol kinatay ni kuya

Gina Pleñago
Jan 22, 2019
1 min read

SINAKSAK hanggang sa mapatay ng 38-anyos na binata na sinasabing may diperensiya sa pag-iisip ang nakababata nitong kapatid sa Parañaque City, nitong Linggo ng gabi.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Parañaque si Jonathan dela Vega Capistrano, 28, binata, construction worker, ng Bgy. Moonwalk sa nasabing lungsod, sanhi ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nahuli naman ng mga tauhan ng Police Community Precinct-6 at barangay tanod ang suspek at kuya ng biktima na si Orlando dela Vega Capistrano, 38, binata.

Sa ulat ng Southern Police District, naganap ang pananaksak sa Purok 7, Morales Compound, Bgy. Moonwalk, alas-9:00 ng gabi.

Base sa inisyal na imbestigasyon, katatapos lamang makipag-inuman ng biktima at nililinis nito ang lugar nang biglang sumulpot ang kanyang kuya na armado ng kutsilyo na may 10-pulgada ang haba at walang sabi-sabing sinaksak ng ilang beses ang kapatid nitong si Jonathan.

Dali-daling isinugod ng kanyang kaanak ang biktima sa naturang pagamutan subalit, binawian din ito ng buhay.

Agad nahuli ng mga rumespondeng pulis at tanod ang suspek at narekober ang patalim na puno pa ng dugo.

Sa pahayag sa awtoridad ng kanilang ina na si Emelita dela Vega Capistrano, 59, ang suspek nitong anak ay dumaranas aniya ng mental disorder.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page