Tanod nalunod sa dam
ILOCOS NORTE—Isang barangay tanod ang namatay nang malunod habang naliligo, kamakalawa sa Madonga Dam sa bayan ng Dingras sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Clemencio Puzon, residente ng Bgy. Escoda, Marcos sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, habang naliligo si Puzon ay napagawi ito sa malalim na bahagi ng dam kaya nalunod ang biktima.
Kaagad sinaklolohan ng kanyang mga kaibigan si Puzon at dinala ito sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival ang biktima.





Comments