Nagkataon at malapit na ang summer, sis/bro! MGA DAPAT DALHIN SA PAGTA-TRAVEL
- No Problem
- Jan 22, 2019
- 3 min read

NO PROBLEM
MAY nakaplano ka na bang bakasyon at first time mo ito? Sakto, dahil para sa’yo ‘to! Dehins mo na kailangang mag-worry kung paano ka makasu-survive sa first trip mo kaya mga bro at sis, narito ang 11 tips para sa mga first time na magta-travel:
1. HAVE GOVERNMENT ID. Given na ito, beshy! Mahalagang mayroon ka kahit dalawang government IDs nang sa gayun ay mas mabilis kang matatapos sa iyong mga transaksiyon habang nasa trip ka.
Bukod sa passport, maganda rin itong patunay na turista ka lalo na kapag mamimili ka sa duty free. He-he-he!
2. HAVE A CHECKLIST. Yes, yes, yes! Kahit saan ka pupunta at kahit ano ang iyong gagawin, inirerekomenda natin ang paggawa nito. Ang dapat na maging laman ng iyong checklist ay ang mga bagay na hindi mo dapat maiwanan o makalimutan tulad ng passport, IDs, toiletries, gadgets at iba pa.
Puwede mo ring isulat doon ang mga last-minute task na dapat mong gawin bago ka tuluyang umalis at mag-enjoy.
3. DON’T OVERPACK. Kailangan ninyong maging wais sa pagsasagawa nito, lodi! Sundin mo lamang ang laman ng iyong checklist nang sa gayun ay wala ka nang makalimutang mga importanteng bagay.
Huwag ka nang magdala ng mga bagay na hindi mo magagamit tulad ng kumot, unan atbp. Tandaan, magta-travel ka at hindi maglilipat ng bahay. Okie?
4. BRING EXTENSION CORD & ADAPTERS. Mahalagang may dala kang international adapter upang maiwasan mo ang hassle sa pagtsa-charge ng iyong mga electronic gadgets kapag nasa hotel ka na.
Sa ganitong paraan, hindi mo na kailangan pang bumili o maghanap ng mga saksakan na compatible sa gadget mo. Copy?
5. BRING REFILLABLE BOTTLE. ‘Ika nga nila, stay hydrated! Kaya mga lodi, huwag ninyong kalilimutang magdala ng refillable bottle habang nagta-travel dahil we never know kung bigla natin itong kailangan kapag nauhaw tayo.
Mabuti nang maging handa kaysa mataranta kapag nasa sitwasyon ka na.
6. BRING POWERBANK. Hindi lang para fully-charged ang mga gadget ninyo habang nasa biyahe kundi para less hassle rin kung sakaling dead batt ang inyong mobile phone at kailangan ninyo ng internet.
Gayundin, inirerekomenda pa rin namin ang pagtsa-charge ng inyong mga cellphone bago kayo tuluyang umalis sa inyong hotel.
7. FIND USEFULL APPS. Dahil patok na patok ang teknolohiya dahil sa dami ng kaya nitong gawin, why not na pakinabangan natin ito, ‘di ba?
Nauso ngayon ang mga application na travel-friendly kung saan karamihan sa mga ito ay translator, maps at transportation. Siguradong magagamit ninyo ang mga ito lalo na kapag nag-out of the country trip kayo.
8. ALWAYS HAVE A MEETING PLACE. Kung sakaling magkahiwahiwalay kayo ng iyong mga kasama, kung sakali lang naman. He-he-he! Mabuting magkaroon kayo ng ‘emergency meeting place’ nang sa gayun ay mabilis ninyong makikita ang isa’t isa dahil alam ninyo kung saan kayo dapat pumunta kung sakaling may mahiwalay sa inyo.
9. BRING TWO WALLETS. Mabuting magkaroon ng dalawang wallets kung saan ang ‘main’ wallet ay naglalaman ng iyong cards at IDs habang ang isa naman ay naglalaman ng local cash.
Gayundin, dahil may second wallet ka, ‘yun ang gamitin mo kung mayroon kang bibilhin at cash ang iyong kakailanganin.
Sa ganitong paraan, hindi ka masyadong mag-aalala kung sakaling mawawala ang second wallet mo dahil wala ru’n ang cards at IDs mo.
Oh, ‘di ba, bongga?
10. SAVE SOUVENIRS FOR LAST. Take it easy, lodi! Huwag kang mag-panic-buying kung may makikita kang pampasalubong.
Mabuting hintayin mo ang araw ng iyong trip na maaari kang mag-shopping spree nang sa gayun ay mapag-isipan mo kung dapat mong bilhin ang mga bagay na gusto mong iuwi.
Gayundin, puwede kang mamili ng pampasalubong sa last day ng iyong trip nang sa gayun ay hindi ka manghinayang sa mga mabibili mo.
11. ENJOY. Dahil first time mong mag-travel, bawal ma-stress! Sulitin mo ang bawat araw na nasa lugar ka. Iwanan mo muna ang mga bagay na nakapagpapa-stress sa’yo nang sa gayun ay ma-enjoy mo ang iyong bakasyon. Okie? Smile lang!
Bago ka tuluyang umalis, lodi, make sure na nabasa mo ang mga ito, ha?
Have a happy trip and good luck! Copy?




Comments