Motor sumalpok sa bus, mister utas

HINDI na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang mister makaraang sumalpok sa pampasaherong bus kamakalawa ng hapon sa Bantay, Ilocos Sur.
Nakilala ang nasawi na si Jhon Romero, 28, may asawa at naninirahan sa nabanggit ding lugar.
Ayon sa pulisya, mabilis na nagpapatakbo ng kanyang motorsiklo ang biktima nang sumalpok sa papalikong bus.
Basag ang bungo ng biktima na sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Nabatid na may dalang helmet ang biktima ngunit, hindi nito suot kaya napuruhan ito sa ulo.
Napag-alaman pa na galing sa birthday party at lasing ang mister.





Comments