top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malinaw ayon sa birthday... DALAGANG NAKATAKDANG MAGKAROON NG KASINTAHANG KATUGMA NG KANYANG PERSONA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 22, 2019
  • 1 min read

Dear Maestro,

Bakit palagi akong nabibigo sa pag-ibig, gayung tapat naman akong magmahal? Kaya gusto kong malaman ang kapalaran ko dahil tatlong beses na akong iniwanan ng mga nagi­ging boyfriend ko.

Kailan kaya ako magkakaroon ng seryoso, pangmatagalan, maligaya at panghabambuhay na relasyon na matagal ko nang pinapangarap na dumating? February 4, 1991 ang birthday ko.

Umaasa,

Mariah ng Canumay East, Valenzuela City

Dear Mariah,

Ayon sa zodiac sign mong Aquarius, sa birth date na 4 at sa destiny number mong 8 (2+4+1991 =1997/ 19+97=116/ 11+6=17/ 1+7=8) upang mag­karoon ka ng isang seryoso, maligaya at pang­habambuhay na pakikipagrelasyon, hanapin mo ang mga lalaking katugma mo.

Sila ay ang mga lalaking isinilang sa zodiac signs na Gemini, Libra, Leo at kapwa mo Aquarius na may mga birth date na 7, 16, 25, 1, 10, 19 at 28.

Sa sandaling nakatagpo ka ng ganyang manli­ligaw, huwag mo nang pakawalan sapagkat sa lalaking nabanggit, habambuhay ka nang magiging maligaya at ayon sa iyong Love Calendar, nakatakda itong mangyari ngayong 2019, sa buwan ng Set­yembre hanggang Oktubre, sa edad mong 28 pataas.

Kaya huwag kang susuko nang sa gayun ay ma­ranasan mo ang pakikipagrelasyon na matagal mo ng pinapangarap, relasyong seryoso, maligaya at pang­matagalan na.

‘Ika nga nila, basta naghintay at nanalangin ka, eh, makasusumpong ka rin ng pagmamahal na totoo at walang halong panloloko.

Kaya, muli, sakyan mo ang agos ng iyong kapalaran nang sa gayun ay makasumpong ka ng relasyong maligaya, ma­unlad at panghabambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page