Kaya walang masama kung bibili pa rin tayo ng mga coloring book, lodi! PAGKUKULAY, EPEKTIB NA PANLAB
- Donna Thea Topacio
- Jan 22, 2019
- 2 min read

SA una, nakatatamad talaga ang pagkukulay, pero kung pipiliin natin itong gawing libangan, tiyak na hindi tayo mabo-bored. Dagdag pa rito, ang pagkukulay umano ay maraming health benefits na naibibigay sa atin kaya for sure, kagigiliwan ito ng lahat. Talaga ba?
Ayon sa pag-aaral, narerelaks umano ang utak kapag pumapasok ito sa meditative state kung saan mararanasan natin ito sa tuwing nagkukulay tayo. Gayunman, hindi lang umano creativity ang nae-enhance sa tuwing nagkukulay tayo dahil nakapagpapababa ito ng lebel ng stress at anxiety kung saan maaari nating maiwasan ang pagkakaroon ng depresyon.
Sa katunayan, ang pagkukulay ay ginagawa na ngayong isang uri ng meditation kung saan karamihan sa mga dumaranas ng problema sa pag-iisip ay isinasagawa ito bilang parte ng kanilang therapy.
Samantala, bukod sa mga ito, ang pagkukulay ay nakatutulong upang maging focused ng tayo sa ating mga ginagawa, gayundin dahil dito, maaari nating maiwasan ang pagiging adik sa gadgets at social media, kaya tiyak na magugustuhan ito ng mga mamshie natin d’yan na dehins mapigilan ang kanilang bagets sa kadudutdot ng cellphone.
Napaka-convenient din ng pagkukulay dahil kahit saanman tayo magpunta, eh, madadala natin ito, basta may gamit tayo tulad ng papel o coloring book at colors, oh, ‘di ba, easy lang?
Samantala, ayon kay Scott M. Bea, isang psychologist, kung gusto nating mawala ang stress natin, bukod sa stress ball na usung-uso talaga, eh, mainam din ang paraan ng pagkukulay.
Lalo na sa mga beshy natin diyang ‘toxic’ ang buhay hindi lang sa loob ng bahay kundi maging sa trabaho, eskuwelahan at marami pang iba.
Kaya ang payo ng mga eksperto, make sure na habang bata pa sina bagets, eh, natututukan sila sa pagkukulay at hindi gadgets ang hinahawakan nila sa maghapon.
Huwag nating hahayaang maging ang paraan ng tamang pagpapalaki sa kanila, eh, hindi n’yo na magawa dahil sa epekto ng teknolohiya.
‘Ika nga nila, huwag tayong magpapakain sa sistema! Oh, ayan, ilabas n’yo na ang mahabang lamesa, coloring books, papel, lapis at pangkulay nang sa gayun ay maumpisahan na natin ang ating obra-maestra. Copy?
Kaya mga beshy, huwag tayong tatamad-tamad, hindi lahat ng problema, eh, sa social media lang dapat ituon. Bakit hindi natin balikan ang ating mga nakasanayan noon na epektibo talaga?
Have a wonderful life!
Gets mo? He-he-he!





Comments