Kampo niratrat, 10 peacekeepers todas
Jersey Sanchez
Jan 22, 2019
1 min read
PATAY ang sampung UN peacekeepers matapos ang pag-atake sa northern Mali.
Bukod sa mga nasawi, may 25 iba pa ang sugatan.
Target umano ng naturang pag-atake ang kampo ng UN peacekeepers sa Aguilhoc na 200 kilometers north ang layo mula sa Kidal Region sa Mali.
Samantala, kinondena ni UN Secretary General Antonio Guterres ang insidente.
Ayon sa mga nakakitang residente, sakay umano ng motorsiklo at kotse ang mga umatake saka nagpaulan ng bala sa naturang kampo.





Comments