top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Habang nakikipagbakbakan kay Broner | MANSIYON NI PACQUIAO, NINAKAWAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 22, 2019
2 min read

NAKAAMBA na sana ang rematch ni Manny Pacquiao kontra Floyd Mayweather, Jr., matapos niyang dispatsahin si Adrien Broner noong Linggo, pero ang plano naiyon ay tila maaantala na naman at baka habambuhay na lamang na maaalala sa kasaysayan.

Sapagkat ikinababahala ngayon ng kampo ng 40-anyos na Senador na si Pacquiao na baka dumanas ang boxing icon ng ‘pagkasira ng retina’ matapos na magreklamo siya ng pananakit ng mata at di umanoy ‘nawalan ng paningin’ ang kaliwang mata kahapon ng umaga, ayon sa New York Daily News reporter na si Wallace Matthews.

Si Pacman ay nakaiskedyul na uuwi sa Pilipinas para magpatingin sa isang espesyalista sa mata. Iniulat din ni Matthews na ayon naman daw sa ibang source ng kampo ni Pacquiao na ang injury ay isang ‘minor corneal scratch’ dahil sa pagtama ng tape ng gloves ni Broner.

Pero kung sakaling si Pacman ay ma-diagnosed na may ‘detached retina’, tiyak namababantilaw na ang sinasabing future matchup nila ni Mayweather at maging ang buong boxing career ng boxing icon ay titigil na.

Nakagugulat at nakalulungkot kung tutuusin ang balitang ito dahil kitang-kita naman sa laban nila noong Linggo ni Broner na wala siyang ibang tama kundi may parang kinamot lamang ng pusa ang ilalim ng kaliwa niyang mata.

Anuman ang pagprotesta ng Cincinnati native na siya ang nanalo at hindi ang Pinoy, ang panalo na rin ang nagpaibayo sa boxing record ng fighting Senator sa 61-7-2 at may ibubuga pa rin ang tangke nito.

Kasunod naman ng balitang iyan nang panlalabo ng kanyang mga mata, nadiskubre ring nilooban ang mansiyon ni Pacman sa Los Angeles. Nakulimbatan ang Senador ng libu-libong halaga ng cash at mga alahas at hinihinalang ‘inside job’ ang nangyari.

Unang naiulat na may puwersahang pagpasok sa mansiyon niya noong Sabado ng gabi pero napansin ng pulisya na naiwanang bukas ang pintuan ng bahay habang idinaraos ang laban niya at walang naiwang tao roon.

Hindi lang ito ang unang iniulat na ninakawan ang mansiyon niya sa LA, dahil nangyari rin ito noong nakaraang mga taon. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page