Dahil sa utang | FACTORY WORKER NAGBIGTI
- Maeng Santos
- Jan 22, 2019
- 1 min read

DEDO ang isang factory worker matapos magbigti dahil sa malaking pagkakautang sa Malabon City.
Kinilala ang nasawi na si Constantino Pintor, Jr., 37, ng Bgy. Potrero. Sa imbestigasyon nina SPO2 Jherico Pacual at PO2 Jeric Tindugan, alas-11:15 ng umaga, umakyat sa taas ng kanilang bahay ang 16-anyos na anak ng biktima upang kunin ang kanyang school project.
Gayunman, laking-gulat na lamang nito nang makita ang kanyang ama na nakabigti sa kuwarto nito gamit ang solid copper.
Agad namang ibinaba ng kanyang kapatid ang biktima saka ni-revived subalit, wala na itong buhay.
Napag-alaman sa imbestigasyon na ang biktima ay may malaking pagkakautang na isa sa tinitingnang motibo sa pagpapakamatay nito.





Comments