Clerk, kinatay sa bahay

PINAGSASAKSAK hanggang sa mapatay ang isang lalaking clerk sa loob mismo ng inuupahan nitong kuwarto sa Quezon City.
Sa inisyal na report kay Police Insp. Nick Fontanilla, kinilala ang biktima na si Salvador Mendoza Alcantara, 53, residente ng Bgy. Socorro, Murphy, Cubao.
Batay sa imbestigasyon, natagpuang duguan at may pitong saksak ng kutsilyo sa katawan ang biktima sa kanyang silid, alas-9:30 ng umaga ng Linggo.
Ayon sa pahayag ng pamangkin ng biktima na si Val, matagal na umanong solong naninirahan sa nasabing address ang kanyang tiyuhin.
Aniya, dahil hindi makontak ang kanyang tiyuhin ay minabuti na niyang puntahan ito sa inuupahang unit subalit, naka-locked umano ang main door nito. Dahil dito ay puwersahang binuksan ni Gonzales ang pintuan at nang makapasok ay bumungad sa kanya ang duguang katawan ng tiyuhin.
Posible umanong kakilala ng biktima ang suspek at maaari rin umano na kasama ito sa loob ng kuwarto nang maganap ang krimen dahil walang nakikitang force entry.





Comments