Bebot na confused sa muling pagbabalik ng ex-bf
Dear Roma, Ako si Aya, 25 years old. Gusto kong humingi ng payo sa inyo dahil naguguluhan ako ngayon. Mayroon akong ex, si Zach, dalawang taon na kaming hiwalay. Nitong mga nakaraang araw, nagme-message ulit siya sa akin, kinukumusta niya ako at niyayayang lumabas. Sinabi rin niya na gusto niyang manligaw ulit sa akin. Noong una, na-weirdo-han ako kasi ang tagal na naming hindi nag-usap pero, sa totoo lang, parang bumalik ulit ‘yung feelings ko sa kanya. Hindi ko alam kung papayag akong manligaw siya ulit sa akin dahil natatakot ako na baka sa pangalawang pagkakataon, eh, hindi pa rin mag-work ang relasyon namin? Sana, mapayuhan ninyo ako. Salamat! — Aya
Aya, Alam mo, sis, mahirap talagang pumasok ulit sa relasyon lalo na kung nasaktan ka na sa unang pagkakataon, pero ang maipapayo namin sa iyo ay kung bumalik ang feelings mo para sa kanya, bakit hindi mo ulit bigyan ng chance ‘yung ex mo? ‘Ika nga nila, “love is sweeter the second time around”, kaya kung ipakikita niya at mararamdaman mong sincere siya, why not, ‘di ba? Gayunman, nasa iyo pa rin ang desisyon kung papayagan mo siyang manligaw ulit sa iyo. Good luck sa’yo, sis!





Comments