top of page

‘Ika nga, sa huli, sarili mo lang ang iyong magiging kakampi... IBA’T IBANG PARAAN KUNG PAANO MAIIWA

  • Donna Thea Topacio
  • Jan 22, 2019
  • 2 min read

‘IKA nga nila, ma­hirap umasa sa iba dahil sa oras na pa­bayaan ka nila, nga­nga!

Nakalulungkot hindi ba dahil minsan sa kaaasa natin sa ibang tao, eh, hin­di tayo natututong tu­mayo sa ating sariling mga paa?

‘Yung tipong o-order ka lang sa fastfood o res­to­ran, eh, hindi mo ma­gawa, gayundin kapag mag­babayad ka sa jeep.

Ka­loka, ‘di ba? Pero, ganu’n talaga kapag mas­yadong dumepende sa ibang tao. Ngunit, hindi puwede na pa­la­ging ga­nu’n, mga bessy, kaya na­rito ang 8 para­an upang matutunan nating ma­ging indepen­dent:

1. BE POSITIVE. Yes, bessy, dapat palagi kang positive sa anu­mang bagay na gina­gawa mo dahil kapag naging ne­gatron ka ka­agad, mala­mang na ma­takot kang subukan ang gusto mong gawin sa iyong buhay.

Wala na, kinain ka na ng takot mo. Awtsu!

2. GET TO KNOW YOURSELF. Mabu­ting kilalanin mo ang iyong sarili kung ano ta­laga ang mga gusto mo at naka­pagpapasaya sa iyo.

Sa ganitong paraan, hindi mo kakailanganin ang tulong ng ibang tao.

3. CHALLENGE YOUR BELIEFS. I-challenge mo ang mga pa­niniwala mo, bessy, nang sa gayun ay mala­man mo kung totoo nga ba ang mga ito.

Hindi magandang ma­niwala sa bagay na hindi mo pa nasusu­bu­kan o nararanasan.

4. START MA­KING YOUR OWN DECI­SIONS. Gusto mong maging indepen­dent, ‘di ba? Eh, di mag­desisyon ka para sa sa­rili mo, ha­limbawa, kung ano ang ka­kainin mo, su­su­otin mo, saan ka pu­punta at ano ang gaga­win mo?

Huwag kang dume­pende sa kagustuhan ng iba, bessy, dahil darating ang panahon na iiwa­­nan ka rin nila. Hugot!

5. MEET YOUR NEEDS. Kung may pa­ngangailangan ka, pili­tin mong makuha ang mga ito nang mag-isa.

Hindi ma­samang hu­mi­ngi ng tulong, pero kung kaya mong mag-isa, gawin mo na lang!

6. LEARN TO SOOTHE YOUR­SELF. Kapag nakagawa ka ng maganda, matuto kang pu­rihin ang sarili mo, hindi para lumaki ang iyong ulo kundi para ma-motivate ka sa ginagawa mo. Okie?

7. TRY NEW THINGS ALONE. Speaking of mag-isa, bakit hindi mo subukang mag-mall, ma­nood ng sine at mag-travel mag-isa?

For sure, hindi mo pa nagagawa ‘yan, kaya ga­­­win mo na habang may oras ka pa dahil kapag nag­karoon ka na ng pa­milya, eh, good- bye ka na sa yolo (you only live once) life.

8. TRUST YOUR­SELF. Ito ang pinaka­im­portante sa lahat, sa ti­ngin mo, bessy, kung wala kang tiwala sa iyong sa­rili, ma­gagawa mo ba ang lahat ng na­banggit sa itaas?

‘Di ba, hindi? Kaya dapat buuin mo muna ang tiwala mo sa iyong sarili at bago mo pahala­gahan at mahalin ang ibang tao, make sure na sarili mo muna, ‘ika nga sa kanta ni Yeng Cons­tantino, “ako muna”.

Oh, ayan, sa totoo lang, hindi masama ang humingi ng tulong sa boy­friend/girlfriend, ka­ibigan, pamilya atbp., pero dapat kahit wala sila, kaya na­ting tumayo sa sarili nating mga paa dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay nan­d‘yan sila para sa atin. Sa huli, sarili natin ang ating magiging kakampi laban sa mga hamon ng buhay.

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page