Tanod niratrat, utas
Levi Gonzales
Jan 21, 2019
1 min read

ISANG tanod ang pinagbabaril sa Bgy. Poblacion 2, Laurel, Batangas.
Alas-6:30 ng umaga, sakay ng kanyang motorsiklo si Christopher Canta, 41, ng Bgy. San Gabriel at patungo sa kabayanan nang abangan ng dalawang suspek. Pagkakita sa biktima, agad itong pinagbabaril ng mga suspek bago nagsitakas.
Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit, binawian din ng buhay.





Comments