Pope francis, inanyayahang bumalik sa bansa — CBCP

KINUMPIRMA ni Cebu Archbishop Jose Palma na pinadalhan nila ng imbitasyon si Pope Francis upang bumisita sa bansa.
Umaasa sila na bibisita ulit sa bansa si Pope Francis sa 2021 upang makiisa sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
Nabatid na 2013 pa nang simulan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paghahanda para sa naturang okasyon kaya inaasahang isang napakalaki itong pagdiriwang sa kasaysayan ng Katolisismo sa bansa.





Comments