top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

P2.4 bilyon para sa bagyong amang

Jeff Tumbado
Jan 21, 2019
1 min read

NAGLAAN ang De­part­ment of Social Welfare and Development (DSWD) ng P2.4 bilyong pondo para sa mga residente na maa­aring maapektuhan ng Bagyong Amang.

Ayon sa DSWD, kabi­lang sa mga nakahanda na ang rescue materials at relief assistance.

Activated na rin ng De­partment of Interior and Local Government (DILG) ang Oplan Alisto.

Inatasan na ng DILG ang local government units na madaraanan ng Bagyong Amang na maging alerto.

Samantala, napanatili ng Bagyong Amang ang ha­nging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pag­bugsong 60 kilometers per hour habang tinatahak ang Surigao provinces.

Sa 5:00 pm advisory ng PAGASA, kumikilos ang bag­yo sa bilis na 30 kilome­ters per hour sa direksiyong west northwest.

Bandang alas-4:00 ng hapon, huling namataan ang bagyo sa layong 175 kilome­ters southeast ng Surigao City, Surigao del Norte.

Dahil dito, nakataas pa rin ang public storm warning Signal Number 1 sa 13 lu­gar sa Visayas at Mindanao.

Pinayuhan ang mga re­sidente sa mga baybaying-dagat at paanan ng bundok na mag-ingat sa flashfloods at landslides.

Pinagbabawalan din ng PAGASA ang mga mangi­ngisda na pumalaot sa nor­thern seaboard ng Northern Luzon, eastern seaboards ng Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa malalakas na alon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page