top of page
Pokwang.jpg

Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA MASUSUWERTENG HALAMAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 21, 2019
1 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang isa sa mga paraan kung paano susuwertehin ang negosyo.

Ganito ang sabi, “habang may buhay, may pag-asa.” Puwede ba nating gamitin ang mga salitang ito para malaman natin kung paano susuwertehin ang ating negosyo?

Puwedeng-puwede! Ang totoo, nasa mga salitang ito ang sikreto sa tanong na “how to be lucky in business?” Kapansin-pansin ang salitang “buhay” sa habang may buhay, kaya ang susi kung paano susuwertehin sa negosyo ay ‘yun na mismong “there must be a life.”

Paano ia-apply ang salitang ito sa negosyo, partikular na sa mga opisina?

Simple lang, maglagay tayo ng mga halaman, ‘yung mga buhay at hindi inirerekomenda ang mga plastic plant.

Ganu’n lang ba kasimple kung paano susuwertehin ang ating mga opisina? Oo, simple lang, pero narito ang tagong mga dahilan.

Kadalasan, ang mga empleyado kapag pumapasok sa opisina ay dala-dala ang kanilang problema, kaya sila rin ay masasabing may bitbit na “negative powers”.

Gayundin ang ilang bisita, kadalasan, may dala silang “negative powers” na makaaapekto sa takbo ng negosyo. May mga tao rin na ang dala-dala mismo sa katawan ay mga kamalasan.

At ngayon, kahit sobrang moderno na ng panahon, ang mga halaman ay kinikilalang sumisipsip ng mga negatibong elemento. Makikita ang ganitong katotohanan sa mga halaman sa office na sa una ay sariwa, malago, maganda, pero hindi magtatagal ay pumangit na at nalanta.

Kaya narito ang pitong masusuwerteng halaman na hindi mahirap hanapin:

  1. Pachira Aquatica (Money Tree)

  2. Dracaena Braunii (Lucky Bamboo)

  3. Spathiphyllum (Peace Lily)

  4. Epipremnum Aureum (Golden Pathos)

  5. Sansevieria (Snake Plant)

  6. Ocimum Sanctum (Tulsi)

  7. Aloe Barbadensis Mill (Aloe)

Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page