8 IMPORTED AT LOCAL HORSES, MAGHAHARAP

WALONG mananakbong kabayo ang lumahok sa nakatakdang pag-alagwa ng 2019 Japan Cup sa Metro Manila Turf Club Inc., (MMTCI) sa Malvar, Batangas.
Maghaharap sa Pebrero 3, ang mga kalahok na Eugene Onegin, Hiway One, Lakan, Lemon Drop Title, Pride of Laguna, Son Also Rises, Sooner Time at Summer Romance. Tatawirin ang distansiyang 1,400 meters ng mga kalahok ang imported horse at local na mananakbo sa MMTCI.
May nakalaang P.5-M ang nasabing pakarera na tatanggap ng P300,000 at trophy ang tatanghaling kampeon sa Japan Cup. Naghihintay ang P112,500 ang sino man pangalawa, tatanggap ng P62,500 ang 3rd placer at P25,000.sa 4th placer. Makakaharap ang tatlong imported horse at limang local horses.
Samantala, limang dehado ang nanalo sa karerang naganap sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona,Cavite noong Sabado. Nag-umpisa ang dehado sa Race 3 nang manalo ang kalahok na Pangarap, Sinundan ng Mighty Bon sa Race 4, at Vanquisher sa Race 5.
Sinundan ng Two Timer, Feather in the Wind, at Glitter Face na nagbigay ang P95,3984.40 sa 1st.WTA(1-7)8/6/2/8/6/2/4 at P677,211,80 sa 2nd WTA(2/8/6/2/4/4/2.





Comments