‘Di imposible ang magtagumpay sa laban at sa buhay, congrats Sen. Pacman!


SA muling pagkakataon, umulan ng pagbati sa pagkapanalo ni Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao laban kay American boxer Adrien Broner.
Marami ang nagdiwang sa matagumpay na pagdepensa ng People’s Champ sa kanyang WBA Welterweight Belt.
Sa kabila umano ng 11 taong agwat sa edad ng kalaban at kanyang dalawa’t kalahating dekadang boxing career, ipinamalas pa rin ng Pambansang Kamao ang kanyang galing sa boksing.
May nagsabi rin na sa edad nitong 40, pinatunayan ni Pacquiao na siya ang “Champion of the Ages” at nasa kanya pa rin ang superhuman strength at superhuman heart.
Nagpasalamat naman ang Malacañang sa mambabatas hindi lamang sa pagbibigay ng pagkilala sa ating bansa kundi maging sa muling pagkakaisa ng mga Pilipino sa buong mundo.
Siyempre, hindi mawawala ang palagi nitong iniiwan tuwing may laban — inspirasyon.
Marami pang Pinoy o anumang lahi ang mas magpupursige sa anumang larangan, ang lalo pang magsisikap dahil pinatunayan nito na hindi imposible ang magtagumpay sa laban at sa buhay.





Comments