WORLD SLASHER CUP SIMULA NA SA ENERO 28


KILALANG prestihiyoso at sikat bilang Olympics of Sabong, sisimulan ang World Slasher Cup 9 - Cock Invitational Derby sa Enero 28 (Lunes) sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum. Siyam na araw ang world class cockfighting sa Big Dome: Jan. 28, 29 at 30 (2 -cock elims), Jan. 31, Feb. 1 at 2 (3 -cock semis), Feb. 3 at 4 (Day 1 at 2 finals) at Feb. 6 (Day 3 grand finals).
Puntirya ni sabong idol at defending champion Patrick Antonio (8.5 points) ang ika-walong WSC title at mangunguna sa 300 local at international na kalahok.
Liyamado rin si Pitgames Media CEO Manny Berbano, runner-up (8 points) nitong 2018 kasama sina Rey Canedo ng Davao, Cris Sioson ng Bataan at Doc Ayong Lorenzo.
Si Lorenzo ang solo runner- up noong 2017 kasama si Dante Hinlo ng Negros Occidental (DVH EDL Excellence entry).
Nasa bansa na ang mga dayong sina Marty Bently ng Ohio, Erik Rosales, Robert Dominguez at Bruce Brown ng California, Butch Cambra ng Hawaii, Nathan Jumper ng Mississipi, Tim Fitzgerald ng Utah, Bobby Fairchild ng Kentucky, Brent Douglas ng Black Bonanza fame at Ernest Atkins ng Tennessee. (MC)





Comments