top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Tserman niratrat, utas

Jeff Tumbado
Jan 20, 2019
1 min read

PATAY ang isang barangay chairman nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin na sakay ng motorsiklo sa Bgy. La Fuente, Nueva Ecija, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Rene Sebastian, 62, chairman ng Bgy. La Fuente.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nakaupo ang biktima sa terrace ng bahay na pag-aari ni Marlon Adriano kasama ang 5 iba pa at dito na binaril nang malapitan ng suspek.

Agad namang naisugod ang biktima sa isang ospital sa Cabanatuan City pero, idineklara itong dead-on-arrival.

Patuloy pang sinisikap ng mga pulis na tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga suspek at kung ano ang motibo sa pagpaslang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page