top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sakto ngayong magba-Valentine’s at may chance ka nang haranahin si crush...  TIPS PARA MATUTONG TUMU

Donna Thea Topacio
Jan 20, 2019
2 min read

NAIINGGIT ka ba sa iba dahil marunong silang tumugtog ng instrumento? Sus, huwag kang mag-alala dahil kung kaya nila, for sure, kaya mo rin!

Alamin ang mga paraan kung paano matututong tumugtog ng instrumento:

1. CREATE ATMOSPHERE. Ang pagtugtog ng instrumento ay may awra ring kinakailangan, kumbaga, ‘yung lugar na pagpapraktisan mo, eh, mararamdaman mong nag-aaral ka talaga tungkol sa musika dahil malaki ang maitutulong nito para mas ganahan kang matuto.

2. WARM-UP. Hindi lang pag-eehersisyo ang kinakailangan ng warm-up, mga besh! Kailangan mo ring i-stretch ang mga daliri at kamay mo dahil malaki ang magiging parte nito para matuto kang tumugtog ng instrumento at hindi ito madali dahil maaari kayong makaramdam ng pangangalay dito, gayundin ang pagkakaroon ng kalyo.

3. HAVE A GOAL. Para matuto tayong tumugtog, mainam kung may goals tayong sinusunod. ‘Ika nga nila, step-by-step lang ang pag-aaral nang sa gayun ay ma-master talaga natin ang bawat step na ating pagdaraanan.

4. BE REALISTIC. Huwag tayong OA, mga besh! Kung dehins na talaga natin keri dahil masyado ng gabi, make sure na magpapahinga rin tayo. Naiin­tindihan natin na nasabik kayo masyado, pero tao lang tayo, okay? Napapagod din ang ating isip at katawan.

5. BEING A MUSICIAN IS SO MUCH MORE THAN JUST PLAYING THE NOTES. Ang pagiging musician ay hindi lang basta marunong bumasa ng notes kundi dapat mahal at nag-e-enjoy tayo sa ating ginagawa, ang musika ay parang alon na kapag natutunan na nating i-enjoy tiyak na sasabay na lang tayo sa agos.

6. RECORD YOURSELF. Kapag ini-record natin ang ating sarili, mas nalalaman natin kung ano pa ang dapat nating i-improve, kaya make sure na sa tuwing mag-aaral kayo, eh, may dala-dala kayong cellphone o recorder.

7. FOCUS. Bawal ang lutang, mga lodi! Kung nakalutang ang isip ninyo, paano kayo matututo niyan? Naku, focus lang para kahit lumipas na ang panahon, eh, matatandaan n’yo pa ang chords o strumming pattern ng kantang inaaral ninyo.

8. USE APPS. Sa ngayon, marami ng applications sa phone ang epektibong makatutulong sa atin para matuto tayo sa pagtugtog ng instrumento, isa sa mga ito ay YouTube kung saan maraming user ang nag-a-upload ng free tutorial nila. Oh, ‘di ba, bongga?

9. WRITE ON YOUR MUSIC. Kung waley kayong printer, mga lodi, keri rin na mag-notes kayo para in case na nag-ulyanin kayo, eh, may babalikan kayong notes, oh, ‘di ba, para ka lang talagang nag-aaral sa school. He-he-he!

10. REWARD YOURSELF. Maganda kung pinupuri natin ang ating sarili na unti-unti na nating naaabot ang gusto nating gawin. Walang masamang bumilib sa sarili, pero palagi nating tatandaan na panatilihing nakasayad sa lupa ang mga paa nang sa gayun ay hindi kainisan ng iba.

Copy?

Oh, ayan, for sure, madi-discover na ninyo ang bagong talentong ibinigay ng Diyos sa inyo.

Always practice lang, para mas mahasa ito.

Understood? Hi-hi-hi!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page