Para sa mga palaging nakahilata riyan, read n‘yo ‘to! PISIKAL NA AKTIBIDAD, KERING MAKAPAGPAHABA NG


MAAGANG pagkamatay ang kinatatakutan ng karamihan kaya lahat ng pinaniniwalaang nakapagpapahaba ng buhay ay ginagawa natin. Pero, knows ba ninyo na ayon sa pag-aaral, ang kaunting oras ng physical activity ay nakatutulong para bumaba ang tsansa ng maagang pagkamatay ng indibidwal? Weh, ‘di nga?
Ayon sa researcher ng Columbia University, ang pinaniniwalaang “no pain, no gain” sa pag-eehersisyo ay walang katotohanan dahil ang paglalaan ng kaunting panahon para sa pisikal na aktibidad ay nakatutulong sa pagkakaroon ng magandang kalusugan.
Ayon kay Dr. Keith Daz, assistant professor sa Columbia University Vagelos College of Physicians and Surgeons, ang mga indibidwal na nakaupo sa loob ng isang oras o higit pa at hindi kumikilos ay may mataas na mortality rate kumpara sa mga kalahok na kumikilos sa loob ng isang oras.
Ang low-intensity physical activity ay kayang magpababa ng 17% tsansa ng early death habang 35% sa moderate activity.
Gayunman, ang maliit na aktibidad na puwedeng gawin sa loob ng isa hanggang dalawang minuto ay mayroon ding positibong epekto.
Habang walang ginagawa, ayon sa mga eksperto, dapat umanong tumayo o kumilus-kilos ang indibidwal kada 30 minuto, partikular na kung nakaupo ito.
Maliban pa rito, may pag-aaral na nai-published sa American Journal of Epidemiology ang nagsuri sa 8,000 kalahok na nasa edad 45 pataas mula noong 2009 hanggang 2013. Ang mga kalahok ay gumamit ng activity monitor sa loob ng apat na araw kung saan ini-record nito ang intensity ng kanilang pisikal na aktibidad.
Sinuri ng mga researcher kung paano nakaaapekto sa mortality rate ang pag-eehersisyo bilang pampalipas-oras. Napag-alaman ng mga ito na ang 30 minutong pag-upo at low intensity physical activity ay nakapagpababa ng 17% ng tsansa ng maagang pagkamatay.
Samantala, 35% ang ibinaba ng early death risk kapag moderate o high intensity ang aktibidad na ginagawa ng indibidwal.
Gayunman, ang isa hanggang dalawang minutong pisikal na aktibidad ay may parehong epekto. Dagdag pa rito, ang physical activity na tinutukoy ng mga eksperto ay simpleng paglalakad lamang sa loob ng bahay o paglilinis ng kuwarto.
Sobrang easy lang magpahaba ng buhay, ‘di ba? ‘Ika nga nila, galaw-galaw para hindi pumanaw.
Kaya mga lodi, bawasan na natin ang madalas na paghiga at si-mulan na nating kumilos kahit nasa loob lang tayo ng ating bahay.
Okie? Hi-hi-hi!





Comments