Mga armas, granada at amunisyon nahukay sa iskul
- Jeff Tumbado
- Jan 20, 2019
- 1 min read

SAMU’T SARING armas tulad ng bala, grenade launchers at granada ang nadiskubre sa loob mismo ng compound ng isang paaralan sa Catabayungan, Cabagan, Isabela.
Kabilang sa mga armamento na hindi inaasahang nahukay ang nasa dalawampu’t apat na grenade launchers at 18 hand grenades at ilang piraso ng mga bala na pawang mga kinalawang na dahil sa sobrang tagal ng panahon na ibinaon.
Batay sa nakarating na report sa Isabela Police Provincial Office, isang concerned citizen ang tumawag sa Cabagan Police Station para ipabatid ang nadiskubreng mga kinakalawang na pampasabog sa Delfin Albano High School sa Catabayungan.
Agad nagtungo ang mga pulis sa lugar at nakita ang mga pambasabog sa likurang bahagi ng eskuwelahan.
Dinala sa Cabagan Police Station ang nahukay na mga armas para roon pansamantalang isailalim sa pag-iingat at pagproseso.
Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang mga awtoridad para malaman kung paano at sino ang nasa likod ng pagbaon ng mga armas sa loob ng paaralan.





Comments