top of page
Pokwang.jpg

HOROSCOPE | ENERO 20, 2019 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 20, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 20, 2019 (Linggo): Mula nang ikaw ay isilang, na­paka­lakas na ng iyong dam­damin, kaya ang iyong pakiramdam ang mag­dadala sa iyo sa ta­gum­pay at kaligayahan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Umiwas ka sa mga pala­da­ing at rek­lamador dahil maaari ka nilang tangayin sa mundo kung saan ang lahat ng bagay ay negatibo. Muli, umiwas ka sa mga pala­daing at reklamador. Ma­suwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-20-23-28-35-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mabilis kang maaawa sa mga taong mapag­kunwari, pero dahil kilala mo na ‘yung mga taong ‘yun, puwede ka pang makaiwas sa ka­nila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-28-31-37-41-45.

GEMINI (May 21- June 20) - Hindi ito gabay, pero hindi mo ma­hahadlangan na mapala­pit ka sa taong mataba kung saan ang inyong pa­giging malapit ay ka­pa­napanabik. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-1-19-22-28-33-36.

CANCER (June 21- July 22) - Para sa iyo ang araw na ito at ang mga araw na darating, kaya ang sinumang mag­bibigay sa iyo ng sakit ng ulo ay babawasan ng su­werte at ito ay ililipat sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-18-20-24-31-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nakatutuwa ang mga salita para sa iyo sa araw na ito na nagsasa­bing, dumikit ka sa masa­rap kausap at mabilis na aangat ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-19-23-25-30-38-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - May taong hindi nakiki­nig sa iba, pero sa iyo ay makikinig, siya ang ilalapit sa iyo ng la­ngit nang sa gayun ay magkaroon ka ng kaibi­gang marunong umuna­wa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-8-11-14-18-30-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gamitin mo ang ipinagka­loob sa iyo ng langit na sandata ng iyong kapalaran. Ito ay ang na­pakalakas mong karisma. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-16-20-23-28-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang pada­daya sa iyong damdamin. Mas magan­dang bago ka magpasya pakinggan mo muna ang mahahalagang sinasabi ng iyong mga kaibigan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-16-19-21-27-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong sirain ang malakas na pag-angat ng iyong buhay nang dahil lang sa bugso ng iyong damdamin o sa maling ibinubulong ng iyong puso. Ito ang men­sahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-black. Tips sa lotto-5-14-17-30-37-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muli mong ituloy ang iyong plano na may kaugnayan sa iyong pag-asenso. Tama ang iyong pananaw na ang tao ay da­pat na papa­sulong at hindi maganda na walang nag­babago sa kanya. Ma­su­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-17-22-24-36-37.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Buksan mo ang iyong isip at isara mo ang iyong damdamin. Ito ang sikreto kung pa­ano mo matatanaw ang tamang landas ng buhay na puwede mong pagpi­lian ngayon. Masuwer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-6-7-13-15-28-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maluwag ang landas ng bu­hay na iyong tinatahak. Ang mga ne­gatibong bagay na nasa isip mo ay mga anino lang at walang laman, kaya wa­la kang dapat ipag-alala. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-9-16-20-21-26-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page