Galing sa BOL assembly | 7 IN-AMBUSHED

PATAY ang dalawa katao habang sugatan ang lima pa makaraan silang pagbabarilin sa Maguindanao, kahapon.
Dead-on-the-spot sina Dungag Macabangon at isang alyas Lumeg, kapwa naninirahan sa Bgy. Town Site, Parang.
Ginagamot naman sa ospital sa Cotabato City at Sultan Kudarat ang limang iba pang nahagip ng ligaw na bala.
Ayon sa ulat ng pulisya, sakay umano ang mga biktima ng payong-payong na isang traysikad mula sa Peace Assembly for the Ratification ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Shariff Kabunsuan Complex Bangsamoro Palace sa Cotabato City na dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pauwi na ang mga biktima ngunit, pagsapit sa Bgy. Macaguiling, Sultan Kudarat ay doon na sila tinambangan ng mga hindi kilalang kalalakihan gamit ang mga matataas na uri ng armas.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa Sultan Kudarat.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.





Comments