Estrella-Pantaleon bridge, 2 yrs. sarado
- Gina Pleñago
- Jan 20, 2019
- 1 min read

PANSAMANTALA nang isinara ang Estrella-Pantaleon Bridge kahapon.
Kaugnay nito, inabisuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. Ang nasabing tulay ang nag-uugnay sa Makati City at Mandaluyong bandang alas-4:00 ng madaling-araw.
Simula kahapon, January 19, magiging one-way street na ang kahabaan ng Makati Avenue mula J. P. Rizal Avenue hanggang Sen. Gil Puyat Avenue.
Ang mga sasakyang papunta sa Rockwell Bridge ay kailangang kumanan sa P. Burgos Street patungong J. P. Rizal Avenue- Makati Avenue intersection at kumanan sa tulay.
Samantala, ang mga kakaliwa sa Sen. Gil Puyat Avenue papuntang Salcedo Village ay daraan naman sa Zuellig Loop.
Sa mga motoristang papuntang Makati Central Business District, kailangang kumanan sa J.P. Rizal Avenue, kaliwa sa N. Garcia Street, kumanan sa Sen. Gil Puyat Avenue at kumaliwa sa Ayala Avenue.
Layon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na palawakin mula sa dalawang lane sa apat na lane ang tulay.
Samantala, tatagal ng dalawang taon ang isasagawang reconstruction work sa Rockwell Bridge.




Comments