Dagdag-presyo sa gas, non-stop

ASAHAN na ang oil price hike sa susunod na linggo na magiging epektibo sa Martes.
Base sa kompyutasyon, maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 kada litro ang itataas sa presyo ng diesel at P0.10 hanggang P0.20 naman sa kerosene.
Samantala, posibleng mapako sa dating presyo o tumaas lang ng P0.10 kada litro ang presyo ng gasoline.
Ito na ang ikatlong sunod na linggo na may dagdag-presyo sa petrolyo kasunod ng desisyon ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) na magbawas ng produksiyon ng langis.
Sa datos ng Department of Energy, mahigit 1,000 mula sa kabuuang 8,600 gas stations pa lang ang nagpatupad na ng mas mataas na fuel excise tax alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Sa ilalim nito, magkakaroon ng mahigit P2 kada litro na patong sa presyo ng diesel at gasolina.





Comments