Ayon sa mga eksperto... PANGANGABAYO, NAKADE-DEVELOP NG KAKAYAHAN SA PROBLEM SOLVING!
- Donna Thea Topacio
- Jan 20, 2019
- 2 min read

HIYA tigidig, tigidig! Ooops, hindi ‘yan tigidig sa mukha o taghiyawat, ha? Kabayo ‘yan, besh! Ha-ha-ha! Kakaiba talaga kapag nakasakay ka sa kabayo, kaya tuwing pupunta tayo sa Tagaytay at Baguio, ito kaagad ang hinahanap ng mga tao. ‘Yung kahit mahal ang presyo, iba pa rin kapag naranasan mo. Woah! ‘Yun nga lang, may iba pa rin sa atin ang KJ (killjoy) dahil natatakot sila na baka magwala ang mga ito, pero don’t be scared, mga lodi, dahil alam ba ninyong maraming benepisyong naidudulot ang horseback riding sa atin?
Weh, ‘di nga?
Ayon sa mga researcher, ang pangangabayo umano ay nakade-develop ng core strength, ito ay dahil kinakailangan ng tamang balanse para makasakay tayo sa kabayo kung saan gumaganda ang ating posture.
Gayundin, ito ay nakai-improve ng koordinasyon dahil kailangan nating makipag-coordinate sa kabayo dahil kung hindi, maaari tayo matumba o malaglag.
Gayunman, shoutout sa mga taong hirap ng magtiwala riyan, marahil, hindi ito para sa inyo dahil sa pangangabayo, kinakailangan ng tiwala dahil nakasalalay dito ang buhay ninyo, ‘ika nga, buwis-buhay, mga besh! Ha-ha-ha!
Kung puro naman pisikal na pag-eehersisyo ang ginagawa natin, maganda ring paraan ang pangangabayo para magamit ninyo ang inyong isip. Dahil dito, masusubok ang diskarte ninyo sa horseback riding, oh, ‘di ba, bongga? Ang lakas makamayaman! Char!
Sa mga kulelat naman pagdating sa problem solving, ito na rin marahil ang solusyon sa problema ninyo.
Samantala, ang pangangabayo ay nakapagbibigay ng relaxing effect.
Sa katunayan, ayon kay Certified Therapeutic Recreation Specialist Rheta D. Connor, ang natural rhythm ng kabayo ay nakatutulong sa sirkulasyon ng ating joints, muscles at spine. Ang physical motions nito ang nakapagbibigay sa atin ng relaks na feeling. Ito rin ay nakatutulong upang maging competitive tayo sa magandang pamamaraan at hindi sa pakikipaglaban.
Kaya mga beshy, make sure na magho-horseback riding kayo kapag pumunta kayo sa Tagaytay at Baguio para bukod sa nasulit n’yo ang bakasyon ninyo, eh, may health benefits pa kayong makukuha mula rito. Worth it din naman pala ang malaking halaga ng pera na ibinabayad natin. Ha-ha-ha!
Kaya para sa mga mahihilig maglakbay diyan tulad ni Dora the explorer, gets n’yo na, ha?
Kahit isang oras na pangangabayo lang, okay na! He-he-he!
Copy?





Comments