top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

4 sangkot sa pagpatay, rape at drugs, arestado

  • Gina Pleñago
  • Jan 20, 2019
  • 2 min read

HULI ang apat na most wanted criminals na sinasabing sangkot sa panghahalay, pagpatay at droga sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Las Piñas, Parañaque at Pasay City.

Bandang alas-2:00 ng hapon nang mahuli ng pinagsanib na puwersa ng Warrant and Subpoena at Intelligence Section ng Las Piñas at Imus City Police ang itinuturing na “number 1 most wanted criminal” na si Kervy Costa, sa follow-up operation sa Merychris Complex, Malagasang, Imus, Cavite dahil sa kasong panghahalay.

Nahuli ang akusadong si Costa ng nabanggit na operatiba sa pamumuno nina Sr. Inspector Bobbe S. Imbo at SPO4 Jay Joseph de Guzman sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Las Piñas City Regional Trial Court (RTC) Branch 199 Judge Joselito dj. Vibandor.

Ang itinuturing namang “number 2 most wanted criminal” na kinilala lamang ng pulisya sa pangalan nitong Iying ay nahuli naman ng operatiba ng Parañaque City Police alas-9:00 ng umaga sa Guava St., Masville, Bgy. BF Homes ng nabanggit na siyudad dahil sa kaso nitong murder.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Parañaque City RTC ay kasama sa nahuli ang tatlong kasabwat nito na naaktuhan ng mga pulis na nagpa-pot session na hindi na binanggit sa report ang pangalan.

Nakumpiska sa nabanggit na akusado at sa tatlong kasabwat nito ang 14 piraso ng plastic sachets ng shabu, isang kalibre .45, isang kalibre .22 revolver at mga bala.

Bukod sa kasong murder na kinahaharap ni alyas Iying, kasama ito at kanyang tatlong kasabwat na sasampahan ng mga kasong palabag sa Omnibus Election Code BP 881, RA 10591 (Illegal Possession of Fire Arms and Ammunition) at Republic Act 9165.

Alas-12:30 ng tanghali nang mahuli ng Pasay City Police ang “number 6 most wanted” na si Arvin Viceda, 24, sa loob ng isang fastfood chain sa panulukan Sen. Gil Puyat Avenue at Donada St. ng naturang lungsod sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Pasay City RTC Branch 144 Judge Restituto V. Mangalindan, Jr. dahil sa kaso nitong rape.

Ang “number 4 most wanted criminal” na si Lhoyd Valenzuela ay nadakip din ng nabanggit na operasyon ng alas-11:30 ng umaga sa P. Manahan St. sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Pasay City RTC Branch 115 at hindi na binanggit na report ang kasong kinahaharap nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page