top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

2,000 pasaway na pulis, lagot!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 20, 2019
  • 1 min read

2019 na, may mga pulis pa ring pasaway!

Ayon sa PNP-Counter Intelligence Task Force, nasa 2,000 pulis ang kanilang tinitiktikan na nasasangkot sa iligal na gawain.

Maaaring protektor sila ng mga iligal na gawain, kotong cop, karna­per, hired killer hanggang sa ninja cop.

Kalahati umano sa nasabing bilang ay na-validate na at hinihin­tay na lamang nila na mahuli sa akto ang mga ito saka tuluyan nang masipa sa serbisyo.

Hindi maitatangging matagal nang sakit sa ulo ang ibang pulis.

Sila na inaasahan nating mangunguna sa paglaban sa kriminalidad ay sila pa ang pasimuno.

Kaya dapat lang na tutukan ang internal cleansing program ng pulisya.

‘Ika nga, hanggat may isang bulok na kasama sa matitino, hin­di imposibleng mahawa ang iba.

Ang problema, hindi naman siguro maglalakas-loob ang mga parak, partikular ang mga bago sa serbisyo kung hindi sila hawak ng mga matagal na sa puwesto.

Kaya ang paglilinis ay hindi lang sa mga nasa ibaba kundi dapat ay hanggang sa itaas.

Ito ang tunay na laban ng PNP, ang banggain ang mga pader, ang mga ‘boss’ ng mga pasaway na pulis.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page