Shoutout sa mga single riyan, read n‘yo ‘to, dali! IBA‘T IBANG PARAAN KUNG PAANO MAMAHALIN ANG SARIL
- No Problem
- Jan 19, 2019
- 2 min read

NO PROBLEM
TALAGA nga namang nakalulungkot ang pagtatapos ng isang relasyon, pero, beshy, alam naming hindi mo deserve na maging malungkot dahil sa pagtatapos ng inyong kuwento, dapat mo nang mahalin ang iyong sarili. Narito ang 8 tips para sa self-love na deserve mo:
1. LEARN TO LET GO. Ito ang una naming maipapayo sa’yo, beshy! Madaling sabihin, pero mahirap gawin, ngunit, ito ang pinakaimportaneng bagay na dapat mong gawin para tuluyan nang mawala sa isipan mo ang taong dapat mo nang kalimutan. Okie?
2. HAVE SOME “ME” TIME. Ayon sa mga eksperto, ito ang tamang pagkakataon para i-pamper ang iyong sarili o tuklasin ang mga bagay na nais mo pang matutunan. Magandang paraan ito upang lalo mo pang makilala ang iyong sarili.
3. TAKE CONTROL. Huwag mong hayaan na ang mga walang katuturan na bagay ang magkontrol sa emosyon mo dahil ikaw lang ang dapat na may kontrol dito. Alright?
4. MINIMIZE BAD HABITS. Yes, beshy! Ang simpleng pagpupuyat o madalas na pagkain ng junk foods ay dapat mo nang bawasan. Paunti-unti muna hanggang sa tuluyan mo nang maalis ito.
5. PRIORITIZE HEALTH. Imbes na mag-stress eating habang nagbi-binge watch ka ng mga TV series, besh, why not planuhin mo kung paano ka mas magiging healthy? Mabuting paraan ito para ma-achieved mo ang self-love na deserve mo. Copy?
6. COMMUNICATE WITH OTHERS. Hindi ka dapat magkulong at magmukmok sa iyong kuwarto, lodi! Subukan mong makipagkita ulit sa iyong mga kaibigan o makipag-bonding sa iyong pamilya. Ang pakikipag-usap sa iba’t ibang tao ay makatutulong upang ma-distract ka sa kalungkutan na iyong pinagdaraanan. Malay mo, may matutunan ka pang mga bagong bagay. He-he-he
7. FOCUS ON POSITIVE. Kahit nagtapos na ang inyong kuwento, eh, magfocus ka pa rin sa mga positibong bagay, beshy! Kalimutan mo na ang hindi magagandang nangyari sa nakaraan, pero huwag mong aalisin sa iyong isipan ang mga bagay na natutunan mo sa natapos ninyong relasyon. Copy?
8. BE PATIENT. Ang muling pagsasaayos ng sarili ay mahabang proseso, kaya ipinapayo namin na maging matiyaga ka. Kung sa tingin mo ay sirang-sira ka, beshy, kaunting tiyaga pa dahil ‘ika nga nila, “time heals all wounds”.
Mga bro at sis, ipinapayo rin namin na bago kayo pumasok muli sa isang relasyon, siguraduhin n’yo na buo na kayong muli nang sa gayun ay maiwasan ninyong makapanakit ng ibang damdamin. Have a happy single life!
Gets mo?





Comments