Sey mo, Jessy? HIRIT NI ALEX: LUIS, BIGAY SA AKIN NI SATANAS


Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!
NAKAKATUWA talaga ang friendship na nabuo sa pagitan nina Luis Manzano at Alex Gonzaga, na kahit ‘di sinagot ni Toni (ate ni Alex) si Luis dati ay walang nabuong awkwardness sa dalawa.
Naging sentro kasi ng usapan ang greeting photo na ipinost ni Luis para kay Alex nu’ng 31st birthday nito last January 16.
Ipinost ni Luis sa kanyang Instagram account ang litrato ni Alex na may background na langit at may mga lumilipad na kalapati — format ng litrato na ginagamit para sa patay ng mga funeral homes.
Nilagyan ito ni Luis ng caption na: “It is with great joy we announce the 31st birthday of Alex Gonzaga.
“Her family and friends wish to thank everyone for their love and support during this special day.”
Naging mabenta sa ilang celebrities ang joke na ito ni Luis kaya ang ilan ay tawang-tawa at nag- comment sa post, kabilang na sina It’s Showtime host Vhong Navarro, Darren Espanto at Sylvia Sanchez na nagsabing, “Hahahahahaha! Napatingin ako ulit! Siraulo ka talaga @luckymanzano”
At ang gulat na gulat na comment ni Alex, “Para kong namatay hayop ka!”
“May birthday na nakalagay ‘di ba??? ‘Di ba??? [crying emoji],” ang sagot-pabalik naman ni Luis.
Nag-comment din ang GF ng TV host na si Jessy Mendiola.
Ani Jessy, “Happy birthday Cathy [Alex’s real name]! Alam kong napakasama ni Luis sa ‘yo pero maraming salamat sa pagpapasaya sa kanya sa mga kalokohan n’yo! [orange heart emoji] Tandaan mo mahal ka namin. [Hugging emoji]”
Para makaganti sa ginawa ni Luis, ginamit ni Alex ang trending challenge ngayon sa social media na 10 Year Challenge kung saan ay magpo-post ng litrato ang isang user noong 2009 at ikukumpara sa picture niya ngayong 2019.
Pero sa lakas ng trip ni Alex, imbes na litrato ni Luis noong 2009 ang ilagay ay nilagyan niya ito ng picture ng ‘poop’.
Aniya, “#10YearChallenge with @luckymanzano”
Bumenta naman sa madlang pipol ang post ni Alex at nag-trending dahil meron itong 15 thousand likes at 800 retweets. Pero, mukhang napagalitan si Alex ni Mommy Pinty at Ate Toni niya dahil burado na ngayon sa kanyang Twitter account ang litratong ito.
Sa kabila ng matinding asaran ng dalawa, para kay Luis, one-of-a-kind ang friendship na namamagitan sa kanila ni Alex. At itinuturing na rin ni Alex na kuya ang TV host.
Ani Luis, “She is one of my favorite people in this planet.
“Kahit na ‘yung asaran namin, ang dami ko rin nasi-share sa kanya about me in general.”
Say naman ni Alex, “I wasn’t blessed to have a brother, so si Kuya Luis ang ibinigay sa akin ni Lord — or ni Satan siguro.
“I’m very happy na ‘yung friendship namin is beyond showbiz.
“Kasi naging friends na tayo even before pa tayo nagkatrabaho.”





Comments