Rider pisak sa truck

PATAY ang 35-anyos na rider matapos magulungan at makaladkad ng trailer truck sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si Ronald Agravante, residente ng Sitio Gitna Kaybiga, Caloocan City, na binawian ng buhay habang ginagamot sa Philippine Orthopedic Center, sanhi ng tinamong mga pinsala sa ulo at katawan.
Sumuko naman sa pulisya ang truck driver na si Jimmy Balangquit, Jr., 30, ng Talipapa, Novaliches, Quezon City.
Sa imbestigasyon ng Caloocan Police Traffic Unit, alas-6:30 ng gabi, minamaneho ni Agravante ang motorsiko at habang binabagtas ang kahabaan ng C3 Road patungong Dagat-Dagatan Avenue, nang tangkain nitong mag-overtake sa trailer truck.
Hindi napansin ng truck driver ang motorsiklo na nasa kanyang kanang bahagi hanggang sa mawalan ng kontrol si Agravante at tumama sa gutter na naging dahilan upang pumailalim ito sa trak at makaladkad nang ilang metro.
Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang isinampa ng pulisya kontra kay Balanquit sa Caloocan City Prosecutor’s Office.





Comments