top of page
Pokwang.jpg

Piskal niratrat, utas

Jeff Tumbado
Jan 19, 2019
1 min read

ISANG dating piskal na nasasangkot sa ilang kontrobersiya ang pinag­babaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem sa Cebu City, kamakalawa.

Dead-on-the-spot sa loob ng kanyang minama­nehong Nissan Juke si Mary Anne Castro, dating assistant city prosecutor ng Cebu, nang pagbabarilin ng isang lalaki na angkas sa motorsiklo sa bahagi ng Es­cario St., Bgy. Kamput­haw, pasado alas-10:00 ng gabi.

Ayon kay Chief Ins­pector Edward Sanches, nagtamo ng limang tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Nabatid sa ulat na naging kontrobersiyal si Castro nang patawan ito ng ilang beses na suspensiyon ng Department of Justice (DoJ) kaugnay ng kinasa­sangkutang sigalot kabilang ang sobrang paggamit sa kanyang impluwensiya noong 2015 sa ilang tauhan ng pulisya para tulungan ang kanyang kapatid na nagharap ng reklamo sa pagbili nito ng segunda-manong sasakyan.

Taong 2016 nang patawan muli ng DoJ si Castro ng anim na buwang suspensiyon sa umano’y ginawang pag-forum shopping nito nang maghain ng hiwalay na petitions for annulment ng kanyang kasal sa dalawang local courts sa Cebu noong 2000.

Ang Pamilyang Castro ay mula sa isang maimplu­wensiyang political clan sa Cebu.

Kabilang sa ginaga­wang pag-iimbestiga ng mga awtoridad sa posib­leng motibo sa pagpatay kay Castro ang paghawak nito ng malalaking illegal drug cases sa nakalipas na taon maging ang kaugna­yan sa ilang kilalang drug personality sa lungsod.

Dito rin lumabas sa report ang kaugnayan ng biktima kay SPO2 Adonis Dumpit, na sinasabing shabu courier na na­paslang noong nakaraang taon sa isang anti-drug operation sa Bohol.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page