top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pekeng dentista at optometrise, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 19, 2019
1 min read

HULI ang mga nag­panggap na dentista at opto­metrist sa magkahiwalay na insi­dente.

Inaresto ng National Bu­reau of Investigation Special Task Force ang isang dentista at kanyang misis matapos madiskubre ang kanilang gi­mik sa dental clinic sa Quiapo, Maynila.

Sa imbestigasyon, ipina­u­ubaya ng dentistang si Jenny Mayor ang ilang pas­yente sa misis na si Brigida kahit hindi naman ito dentista.

Sa surveillance video ng NBI, makikitang si Brigida ang humahawak sa mga pas­yente at nagrereseta. Dahil tila pambabae ang pangalan ng kanyang mister, madaling napagkakamalan na dentista ang misis.

Gayunman, depensa ni Jenny, nag-a-assist lang ang kanyang asawa. Ayon pa kay Brigida, madalas na na­tatambakan ng pasyente ang kanyang mis­ter.

Ayon naman kay Atty. Bernard dela Cruz, executive officer ng NBI Special Task Force, maging ang anak ng mga ito ay nagpapanggap ding dentista.

Kaugnay nito, kulong ang mag-asawa sa paglabag sa Republic Act 9484 na sumasaklaw sa pagdeden­tista at nakatakdang kasuhan ang kanilang anak. Bukod pa ito sa kanilang babayarang penalty.

Arestado rin sa entrap­ment operation ang isang lalaki na umano’y nagpa­panggap na optometrist o doktor sa mata sa Baguio City. Hinuli ang suspek ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group sa mismong klinika nito.

Ayon sa ulat, mismong empleyado ng clinic ang nag­reklamo at sinabing ginaga­mit lang ng suspek ang pa­ngalan ng kanyang kapatid, na siyang tunay na doktor.

Apat na taon na umano itong ginagawa ng suspek.

Kaugnay nito, naglabas ng dokumento ang Profes­sional Regulation Commis­sion na nagsasabing, hindi lisensiyadong optometrist ang lalaki. Noong una ay itinatanggi pa ng suspek ang krimen at nagdahilang nai­wan niya lang ang kanyang lisensiya na kalaunan ay napaamin din. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page