Nanlabang tulak patay
Pabs Hernandez III
Jan 19, 2019
1 min read
CAMARINES SUR—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Tupaz Proper, Nabua sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Roy Sabordo, residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, darakpin ng mga awtoridad si Sabordo, pero bigla nitong pinagbabaril ang pulisya.
Dahil dito, napilitan ang mga awtoridad na gumanti ng putok kaya napatay ang suspek.





Comments