MALUPET SI KUZMAN SA LAKERS, MURRAY KINATAY ANG BULLS


TUMABO ng 32 points si Kyle Kuzma para manguna sa Los Angeles Lakers sa 138-128 overtime win laban sa Oklahoma City Thunder hindi man nakalaro si LeBron James sa NBA game kahapon.
May 12 sunod nang pagkakataon na hindi nakalaro ang four-time MVP dahil pa rin sa iniinda nitong strain sa kaliwang groin.
Bukod sa tikas ni Kuzma, matinding laro rin ang ipinakita nina Ivica Zubac na umiskor ng career-high na 26 points na nilagare rin ng 18 puntos ni Lonzo Ball ng 18 para sa Lakers.
Pagdating ng ekstrang peryodo, lumagare nang husto ang Los Angeles kaya nagawa nilang lamangan ang Thunder sa 16-6.
Sa Oklahoma City, nakagawa ng 27 puntos si Paul George at may 21 marka si Terrance Ferguson.
Mayroon mang 26 points, 13 assists at siyam na rebounds si Russel Westbrook, nalimitahan lang ito sa 7 of 30 shooting.
Samantala, sa iba pang laban binalikat nang husto nina Jamal Murray at Nikola Jokic ang laro at bitbitin ang Denver Nuggets para sa 135-105 pagkatay sa Chicago Bulls.
Kaya naman napalawig pa ng Nuggets sa 12 ang kanilang sunod-sunod na home win kontra sa Bulls na nagsimula pa noong Pebrero 2006.
Kasabay nito, nananatili ring bigo ang Chicago ngayong season matapos iuwi ang kanilang nine-game losing streak.
Ibinuhos ni Murray ang 22 sa kanyang 25 points sa third quarter, habang kumolekta naman ng 18 points at 11 assists si Jokic upang ibangon ang Nuggets mula sa 142-111 pagyuko sa Golden State.
Sumandal naman kay Lauri Markkanen na umiskor ng 27 ang Chicago, na babalik sa balwarte nilang bigong makapanalo mula five-game trip.
Depensa ang napuhunan ng Denver at nalimitahan lamang sa 47 puntos ang Bulls sa halftime.
Nagawa rin ng Nuggets na palawigin ang kanilang kalamangan hanggang 40 puntos.
Makikipaglaban sa araw ng Linggo ang Chicago sa team ni Dwyane Wade na Miami Heat. (MC/ATD)





Comments