top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Malinaw ayon sa palad...BABAENG NAKATAKDANG SUWERTEHIN SA LAHAT NG ASPETO NG BUHAY

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 19, 2019
2 min read

KATANUNGAN

1. Nakapagtapos ako ng Pharmacy, ang problema, halos kalahating taon na akong naghihintay sa ina­asahan kong pag-a-abroad sa Middle East, pero hang­gang ngayon ay hindi pa rin ako nakaaalis.

2. Kung may chance pa akong makaalis, kailan kaya ito matutupad?

KASAGUTAN

1. Upang makapag-ab­road at magtuluy-tuloy ang iyong suwerte, hindi lang sa career kundi sa lahat ng as­peto ng iyong buhay, dapat mong la­kihan ang iyong lagda higit lalo ang lower loop o bilog na ba­hagi ng letrang “j”. Sa ganyang pa­raan, ka­pag nalakihan mo na ang pagkakasulat ng iyong lagda at nalagyan mo ng bi­log at magandang buntot ang let­rang “j”, tiyak ang maga­ga­nap, kasunod ng pagbaba­gong ito ng iyong lagda, tu­luy-tuloy nang matutupad ang lahat ng iyong mga pa­ngarap sa buhay.

2. Dagdag pa rito, pansinin mong bukod sa birth date mong 12 o 3 (ang 12 at 1+2 =3) ikaw din ay nagtataglay ng destiny number na 8.

Ibig sabihin, tunay ngang bago ka tuluyang mag­tagum­pay at maging maligaya, naka­takda muna na dumanas ka ng mga pagtitiis, paghihintay at pagsubok at sa sandaling napag­tiisan mo ‘yan at na­natili kang matatag, doon pa lamang mata­tapos ang mga pagsubok na iyong pinagda­ra­anan, sa pana­hong ‘yun, tuluy-tuloy ka nang mananaig at magtatagum­pay, anuman ang hangarin mo sa buhay.

3. Samantala, kapansin-pansing may maliit na Travel Line (Drawing A. at B. t-t ar­row a.) sa kaliwa at kanan mong palad at dahil hindi ito mas­yadong malawak at ma­linaw, tunay ngang ang ga­gawin mong pag-a-abroad ay dapat mong paghirapan. Ibig sabihin, asa­han mo na hin­di magiging madali para sa iyo ang pag-a-abroad, pero kung magsisikap ka tulad ng taong naiimplu­wensiyahan ng nu­merong otso na maa­aring ito ang nama­mayani sa buhay mo ngayon, basta lu­malaban ka, nagpa­patuloy, hindi uma­ayaw, sa bandang huli, ibibi­gay din ng langit ang iyong ambisyon, maka­kamit mo rin ang lahat ng luho at mga pinapangarap mo sa buhay.

MGA DAPAT GAWIN

1. Sa katotohanan ng buhay, tandaang, may mga kapalarang nakatakda at may mga kapala­rang gaga­win pa lamang.

2. Ang mga kapalarang nakatakda, halimbawa sa pag-a-abroad, kapag nakita mong sobrang malinaw ang kaliwa at kanang Travel Line sa mga palad (t-t arrow b.), masasabi mong nakatakda na sa nasabing indibidwal ang pangingibang-bansa at kahit hindi niya mas­yadong paghirapan (t-t arrow b.), ti­yak na makapag-a-abroad siya sa ayaw at sa gusto niya sa takdang panahong inilaan sa kanya ng kapalaran.

3. Ano ang mga kapala­rang gagawin pa lang at da­pat na pagsikapan? ‘Yun, Jen, kabi­lang sa ehemplong ito ang iyong Travel Line (Dra­wing A. at B. t-t arrow a.) na hindi masyadong ma­linaw na nangangahulugang kaila­ngan mong magtiyaga, mag­sikap at magpakahirap upang matupad ang pangarap mo na makapangibang-bansa.

4. Kung saan, ayon sa iyong mga datos, kung su­sundin mo ang lahat ng su­hestiyon na bi­nanggit sa itaas at sadyang nagsikap ka talaga at nagpaka­hirap mag-apply, siguradong darating ang pa­nahong maka­pag-a-abroad ka at ito ay naka­tak­dang ma­ganap ngayong 2019, sa bu­wan ng Oktubre, sa edad mong 36 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page