top of page
Pokwang.jpg

Lola, dedbol sa motor

Janice Baricuatro
Jan 19, 2019
1 min read

ISANG 60-anyos na lola ang nasawi habang papa­tawid sa kahabaan ng Con­gressional Road, Bgy. Sali­tran III, Dasmariñas City, Cavite, kamakalawa.

Kinilala ni Police Supt. Nerwin Ricohermoso ang biktima na si Helen Castro, 60. Bahagya namang nasu­gatan ang driver ng motor na nakasalpok sa biktima na nakilalang si Daniel Pagobo, 23, binata, waiter, residente ng Bgy. Salitran III at napag-alamang walang hawak na lisensiya.

Sa panayam kay Col. Ricohernoso, alas-11:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Congressional Road ng na­sabing barangay kung saan tumatawid ang biktima nang mahagip ito ng motor na minamaneho ng suspek.

Pagkasalpok sa biktima, kapwa tumilapon ito kasa­bay ng pagkasemplang ng motor kaya nagkaroon din ng pinsala ang suspek.

Napuruhan sa ulo ang biktima kung saan agad naman itong naitakbo sa pagamutan subalit, hind na umabot nang buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page