HOROSCOPE | ENERO 19, 2019 (Sabado)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 19, 2019 (Sabado): Darating at lilisan ang mga suwerte mo sa buhay. Magpasalamat ka dahil sa iba, halos hindi na dumating ang magagandang kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magsaya ka dahil ang mga araw ngayon ay para sa pagsasaya mo. Kung nagkataong may lungkot ay magsaya ka pa rin dahil ang pagsasaya ang mismong panlaban sa kalungkutan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-18-19-20-34-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sinupin mo ang munting suwerteng mapasasaiyo. Ito ang magsisilbing binhi ng iyong kaunlaran kung kailan mabubuhay ka sa kasaganahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-14-17-30-33-41.
GEMINI (May 21- June 20) - Mag-ingat ka! Talasan mo ang iyong pakiramdam sa mga taong nakasasalamuha mo. May babala sa iyo na kapag sumobra ang tiwala mo sa iyong sarili, ikaw ay madaraya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-19-21-24-30-36.
CANCER (June 21- July 22) - Magpasya ka at sa pagpapasya mo, ikonsidera mo ang iba pang malalapit sa buhay mo. Kung kailangan mong magsakripisyo, gawin mo! Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-24-28-39-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Rito sa mundo, walang katapusan ang pagdating ng mga oportunidad, kaya walang karapatan ang tao para sabihing hindi niya kayang umasenso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-15-28-31-34-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bakit naghihintay ka pa ng senyales kung susugod ka na para sa iyong kinabukasan? Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-9-10-25-33-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bilisan mo! Huwag mo nang tagalan ang pagpaplano dahil ang totoo, noon pa man ay puro ka na lang plano. Gawin na mo agad ang gusto mong gawin sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-18-20-24-30-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong bilangin ang mga araw na nagdaan. Ang pagtuunan mo ng pansin ay ang mga araw na darating kung kailan magkakaroon ng katuparan ang pangarap mong yumaman. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-16-21-27-41-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mabibigo ang mga naghahangad na ikaw ay bumagsak. Hindi inaayunan ng langit ang mga taong nag-iisip ng masama sa kanilang kapwa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-17-21-22-27-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka mabibigo. Ang totoo, rito sa mundo, hindi mahalaga kung matagal o mabilis ka. Ang pinakaimportante ay ang magkaroon ng katuparan ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-15-16-24-35-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka mahihirapang hanapin ang taong magkakaloob sa iyo ng masarap na buhay dahil ang totoo, siya ay madalas na nasa harapan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-20-29-33-38-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magpatulong ka kung nahihirapan ka. Hindi masama ang magpatulong lalo na kung ang tutulong sa iyo ay ang malalapit sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-28-33-35-46.




Comments