top of page
Pokwang.jpg

Bag at locker inspection sa mga iskul, aprub!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 19, 2019
1 min read

ANG eskuwelahan ay maituturing na pangalawang tahanan ng ating mga anak.

Kaya nakapanlulumo kapag may mga insidenteng hindi kanais-nais o nagiging banta sa kanilang kaligtasan.

Tulad ng mga insidente na may kaugnayan sa iligal na droga.

May mga estudyante na nahuhulihan ng marijuana o shabu sa loob ng iskul.

Mayroon pang nahuhuli sa aktong gumagamit.

Isa ito sa mga dahilan kaya patuloy ang kapulisan sa pagsusulong ng random inspection sa mga bag at locker ng mga mag-aaral.

Bagama’t, nasa Department of Education ang pasya kung ito ay pagbibigyan.

Sakaling payagan ang nasabing inspeksiyon, tanging mga school official lang ang magpapatupad nito, puwedeng mga guro kasama ang mga PTA officer.

Papasok lamang ang kapulisan kung may nakita nang iligal na droga o iba pang iligal na bagay mula sa mga mag-aaral.

Sa pamamagitan nito, mababawasan ang alalahanin ng mga magulang na may nakapapasok na iligal na droga sa paaralan.

Hindi lang drugs, pati deadly weapon na nagiging ugat ng gulo at pananakit.

Mas mainam nang iniiwasan ang mga ganitong insidente kesa mangyari na lang at wala na tayong magawa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page