2022, paghahandaan daw niya… KRIS, RAMDAM NA LAOS NA KAYA SA PULITIKA ANG BAGSAK


AYON sa ilang showbiz observers, hindi na magiging bentahe para kay Kris Aquino ang lumalaking away nila ng dati niyang business manager na si Nicko Falcis. Sobrang nega na ang dating ng mga naglalabasang side stories.
Siya ang dehado sa laban dahil artista siya at endorser ng maraming produkto. Hindi rin maganda ang paglalantad niya ng kanyang mga sakit ngayon. Sa halip na awa at simpatya ang makuha niya ay siya pa ang sinisisi sa mga kaganapan sa kanyang buhay.
Oo nga at may mga endorsements siyang hindi bumibitiw sa kanya, pero one thing is sure, may mga mawawala nang endorsements sa kanya. At ‘yung mga bago naman, tiyak na magdadalawang-isip na rin dahil bukod sa wala na sa puwesto ang kanyang Kuya Noynoy Aquino, wala pa siyang TV show.
Kung hinahabol at ipinaglalaban ni Kris ang malaking halaga na nawala sa kanya dahil sa ginawa ni Nicko Falcis, mas malaki ang mawawala kapag iniwan na siya ng malalaki niyang endorsements.
Pero sey nga ni Kristeta, hindi siya magpapatalo sa sakit at paninira dahil paghahandaan niya ang election 2022.





Comments