2 karnaper todas sa pulis

NAPATAY ang dalawang hinihinalang magnanakaw ng motorsiklo nang makipagbarilan sa mga pulis sa Bgy. Vasra, Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga nasawi na sina Ian Diaz at isang alyas Jessy.
Nasamsam mula sa kanila ang isang kalibre .45, kalibre .357 at tatlong motorsiklo.
Ayon kay Senior Supt. Enrico Vargas, nagpaputok umano ang mga suspek nang mahalata na pulis ang kanilang katransaksiyon.
Bibilhin sana ng poseur-buyer sa halagang P15,000 ang umano’y nakaw na motorsiklo mula sa mga suspek.
Positibo namang kinilala ng isang biktima ang narekober na motorsiklo noong Enero 15, sa Broadway Centrum.
Narekober din sa inuupahang bahay ng mga suspek ang ilang sachet ng hinihinalang shabu. Hinala ni Vargas, sangkot din sa pagtutulak ng iligal na droga ang mga suspek maliban sa panghoholdap.
Patuloy naman ang isinasagawang follow-up operation sa posibleng mga kasabwat ng dalawang suspek.





Comments