Word war, non-stop | PALASYO SA SIMBAHAN: ‘WAG NANG EPAL

UMAPELA kahapon ang Malacañang sa Simbahang-Katolika na huwag nang makialam sa estado matapos ang magkakasunod na patutsada ng mga Obispo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Naniniwala ang Palasyo na malaya ang mga Obispo na magpahayag ng kanilang sariling pananaw ngunit, iwasan ang pagpuna laban sa gobyerno.
“Ang sinasabi lang naming, if you are men of the cloth, ang talagang trabaho mo ay spiritual awakening sa faithful. Huwag mo nang pakialaman ang estado with respect doon sa mga method na ginagawa ng estado na sa kabutihan naman ng bayan,” pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.
“Now, if they are affected by the criticism on the hypocrisy of certain members, if they are not alluded to, if they are not embraced in that group, then why should they be reacting?” ani Panelo.
Una nang binatikos ng tatlong Obispo sa publiko ang pangulo makaraang himukin na patayin at holdapin ng mga tambay ang mga mayayamang Obispo.
Matatandaang, sinabi ni Balanga Bishop Ruperto Santos na ang panguluhan ni Duterte ay isang kahihiyan sa bansa, habang si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani ay hinamon ang pangulo na maglibot sa mga lansangan na walang escort.
Ang pinakahuling batikos kay Duterte ay mula kay Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, na nagsabi na mas nag-aalala siya para sa pangulo kaysa sa Simbahan.





Comments