top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

TAPOS NA ANG KAMPANYA NG PHL AZKALS SA AFC CUP

  • A.Servinio
  • Jan 18, 2019
  • 1 min read

DUBAI – Tapos na ang kampanya ng Pilipinas sa 2019 AFC Asian Cup. Gu­mawa ng tatlong goal si Vi­ta­lij Lux upang ibigay ang panalo sa Kyrgyztan kontra sa Azkals, 3-1, Miyerkoles ng gabi sa Rashid Stadium.

Nilusutan ni Lux ang de­pensa sa ika-24, ika-51 at ika-77 na minuto ng laban. Kahit malayo na ang kala­ban, hindi pa rin sumuko si Stephan Schrock at pinasok niya ang pinakaunang goal ng Pilipinas sa ika-80 mi­nu­to galing sa kanyang mala­yong free kick.

Bago ang ikatlong goal ni Lux, ipinasok ni Coach Sven Goran Eriksson ang magkapatid na Phil at James Younghusband. Nabuhayan ng bahagya ang Azkals at mga Filipinong nanood pero nanatiling matibay ang de­pensa ng mga Kyrgyz.

Nagtapos ang Pilipinas sa ilalim ng Grupo B na wa­lang panalo sa tatlong laro. Natalo rin sila sa Timog Ko­rea, 1-0, at Tsina, 3-0.

Sa kasabay na laro sa Abu Dhabi, tinalo ng mga Koreano ang Tsina, 2-0, upang makuha ang numero unong puwesto sa grupo at pumasok sa knockout play­offs kasama ang Tsina. Mag­hihintay ang pumangatlong Kyrgyzstan sa mga resulta ng mga nalalabing laro para malaman kung papasok din sila sa huling 16 na kopo­nan.

Ang 2019 AFC Asian Cup ay magtatagal hang­gang Pebrero 1, araw ng championship na gaganapin sa Zayed Sports City Sta­dium sa Abu Dhabi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page