Para silang sakit na nakahahawa kaya dapat natin silang layuan... KATOTOHANAN KUNG PAANO MAIIWASAN A
- BULGAR

- Jan 18, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ngayon ang isa sa mga epektibong paraan upang magkaroon ng masaya, maligaya at makabuluhang Bagong Taon.
Masasayang ang lahat ng efforts na gagawin mo ngayong Bagong Taon kung nabubuhay ka habang nakadikit sa iyo ang mga toxic na tao. Hindi lang oras o panahon mo ang masasayang, puwede ring masayang ang malaking halaga ng pera sa iyong ipinupundar na negosyo kapag ang mga ito ay hindi mo nagawang alisin sa buhay mo.
Sure, alam na alam mo ang payo na lumayo ka sa tukso. Alam mo rin na mas mabuting lumayo ka sa masama at ang lumayo sa mga taong may sakit na nakahahawa, ‘di ba, alam mo na rin?
Pero, hindi lang ang mga ‘yan ang dapat mong layuan dahil dapat ka ring lumayo sa mga taong ‘toxic’.
Ang salitang “toxic” ay tumutukoy sa nakalalasong bagay, kaya ang mga taong ‘toxic’ ay sinasabing lason din sa buhay ng tao kaya dapat silang iwasan at layuan.
Mas magandang malaman kung sinu-sino ang mga ito para aware tayo kung paano sila lalayuan lalo na ‘yung mga hindi pa natin nakikilala?
1. Una sa listahan ay ang mga inggitero at inggitera.
2. Hindi pahuhuli ang mga tsismosa at tsismoso.
3. Humahabol pero hindi gaanong malayo ang mga taong mahilig mamintas na ang palaging nakikita ay ang kahinaan at kapintasan ng kanyang kapwa.
4. Hindi rin paiiwan sa unahan ang mga taong akala nila ay sila lang ang magaling at palaging tama.
5. Kabilang din sa listahan ang mga taong sira na ang buhay, sila ay nakahahawa na parang may sakit na kapag hindi mo nilayuan ay masisira rin ang buhay mo.
Ito ang mga katangian ng taong sira na ang buhay:
a. Ayaw layasan ang kanyang mahal sa buhay na inaabuso lang siya nang paulit-ulit.
b. Kahit may minamahal na ay mahilig pa ring maghanap ng iba na kadalasan ay higit pa sa dalawa ang karelasyon.
c. Tamad o ayaw magsikap na umaasa lang sa mga malalapit sa kanya na kapag hindi napagbigyan ay galit pa.
d. Ang mga paladaing, iyakin at palaangal.
e. Ang sumasagot sa matatanda na ang pagsagot ay pagalit o mataas at malakas ang boses.
f. Ang mga palamura.
g. Ang mga mabisyo lalo na ang mga lulong sa sugal sa casino.
h. Kasama rin sa listahan ng nakahahawa ang mga nalugi ang negosyo, nawalan ng trabaho na ayaw nang kumilos para mapaganda pang muli ang kanilang kalagayan.
Huwag mong kalilimutan, tulad ng nasabi na, ang taong ‘toxic’ ay para ring sakit na nakahahawa, kaya kailangan mo silang layuan at iwasan, in short, keep distance!
Good luck and God bless!




Comments