top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pagtaas ng presyo ng mga bilihin at produktong petrolyo, 'di na mapipigilan, hays!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 18, 2019
  • 2 min read

WALANG kumpirmadong namatay dahil sa Dengvaxia. Ito ang pahayag ng DOH sa pagdinig ng budget nito sa Senado. Iba ang opinyon ng DOH para sa pagkamatay ng mahigit isandaang bata. Ang isyung ito ay higit isang taon na ang nakararaan. Gayunman, naghahanap tayo ng balita mula sa ibang bansa na inaprubahan na rin ang paggamit ng Dengvaxia. Wala tayong mahanap na balita kung saan itinigil ang paggamit ng Dengva­xia. Sa katunayan, inaprubahan ang bakuna sa European Union. Nag­bi­gay ng mga kondisyon para maging epektibo ang bakuna para sa mga may edad 9 hanggang 45 na nagkaroon ng dengue bago mabigyan ng bakuna.

Ang takot na dulot ng isyu ng Dengvaxia ay nauwi sa takot sa lahat ng bakuna. Mga bakuna na mahalaga, lalo na sa mga bata. Sa Pakistan, may mga kaso pa rin ng polio na akala ng marami ay nawala na. Mas mahalaga na mabigyan ng bakuna ang mga bata. Kailangan ng malawakang kampanya mula sa DOH para masabihan ang publiko na ligtas ang bakuna. Tinanggal din lang ng gobyerno ang Dengvaxia kaya wala nang dapat pangambahan kung ito ang dahilan.

◘◘◘

Nagtaasan na ang presyo ng mga produktong petrolyo sa ilang gasolinahan. Hindi magtatagal, lahat ng gasolinahan ay ganu’n na rin ang gagawin dahil sa ikalawang bahagi ng TRAIN Law. Higit na sa limampung piso kada litro ang gasolina. Hindi malayo ang presyo ng diesel. Hindi pa rin mapigilan ang administrasyong ito sa pagpataw ng buwis sa maraming bagay para mapondohan ang pangunahing proyekto ni Pangu­long Rodrigo Duterte, ang “Build, Build, Build (BBB) Program."

Asahan na magtataas na rin ang maraming bagay dahil sa buwis na ito. Hindi rin malayong dahil sa mga pagtaas na ito, lalong magpa­pahirap sa mamamayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page