top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mexico ex-pres 'tumanggap ng suhol'

  • Jersey Sanchez
  • Jan 18, 2019
  • 1 min read

TUMANGGAP umano ng $100 milyong suhol si Mexican ex-President Enrique Peña Nieto mula sa drug lord na si Joaquin “El Chapo” Guzman.

Ayon sa testimonya ng umano’y malapit na kasamahan ni Guzman na si Alex Cifuentes, 2016 nang ipinaalam nito sa awtoridad ang nasabing suhulan.

Dagdag pa ni Cifuentes, ipinadala umano ng drug lord sa kanyang kaibigan ang nasabing halaga noong Oktubre 2012.

Batay sa ulat mula sa courthouse sa New York, $250 milyon ang unang hiningi ni Peña Nieto bago nagkasundo sa $100 milyon.

Gayunman, wala pang pahayag ang dating lider hinggil sa akusasyon sa kanya.

Matatandaang, una nang itinanggi ni Peña Nieto ang mga paratang ng korupisyon na lumutang sa pagdinig mula nang nagsimula ito noong Nobyembre 2018.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page