top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Magaling at mapagka-katiwalaang poll watchdog, kailangan para iwas-hokus-pokus sa halalan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 18, 2019
1 min read

DAHIL talagang painit nang painit ang darating na halalan, true na kailangan natin ng bagong poll watchdog sa automated elections ngayong 2019 Midterm Elections.

Hindi lang basta poll watchdog, dapat may technical expertise rin tungkol sa automation — ‘yung hindi madedenggoy pagdating sa usaping I.T. para mabantayang mabuti at walang hokus-pokus na mangyayari tulad nang nakalipas na halalan.

Better na mayroong bagong election watchdog na magbabantay para matiyak na magiging malinis ang halalan. Sana lang ay manawagan din ang Comelec sa mga grupo na magaling sa I.T. na magbuo ng grupong tututok at magbabantay sa mga balota.

The new election watchdog should not only be keen on guarding forms of electoral fraud, pero dapat ay mayroon talagang technical expertise para makatutulog tayo ng mahimbing sa oras ng bilangan at paggising natin ay tiwala tayo sa resulta.

Hindi tulad noong nakaraang election, ang laki ng lamang tapos natulog lang saglit, naungusan na sa bilangan. Wow, magic!

Eh, kung mayroong watchdog na genius pagdating sa automated polls na nakabantay, madali nilang matutukoy na may nagaganap na magic o hokus-pokus at kapag nagkaganu’n, madali na lang masosolusyunan ng ating poll body.

Sana kung mag-a-accredit ang Comelec ng poll watchdogs, tiyakin nilang hindi ito mga partisan o may kinakampihang partido, as in, wala talagang kakulay-kulay — walang bahid ng politika ang grupo at hindi pinopondohan ninuman.

Kaya please, sa ating mga kababayan at mga genius sa computer, aba, do your country a favor. Magbantay na tayo sa halalan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page