top of page

Kaya oks pa rin ‘yung medyo chubby, besh! PAGKAKAROON NG MALAKING BALAKANG, GOOD SA HEALTH!

  • Donna Thea Topacio
  • Jan 18, 2019
  • 2 min read

WORRIED ka ba dahil sobrang laki ng iyong balakang at kaunting pantalon na lang ang nagkakasya sa’yo, bessy? Oks lang ‘yan dahil ayon sa mga dalubhasa, ang pagkakaroon umano ng malaking balakang ay maganda para sa ating kalusugan. Amazing!

Ayon sa mga British researcher, ang pagkakaroon ng extra weight sa balakang at hita ay maganda sa kalusugan.

Sa katunayan, sa pag-aaral mula sa Oxford University, napatunayan ng mga eksperto na nakapoprotekta ito laban sa diabetes at heart disease.

Ito ay dahil ang taba sa balakang at hita ay epektibong panlaban sa fatty acids na maaaring pumasok sa katawan at maaaring maglagay sa atin sa kapahamakan.

Dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng malaking balakang ay nakapagdudulot ng maganda sa ating hormones kung saan ito ay pumoprotekta sa arteries at nakapagpapababa ng lebel ng ating blood sugar.

Gayunman, hindi raw maganda ang pagkakaroon ng belly fat dahil nakapagre-release ito ng molecules na tinatawag na cytokines na nakati-trigger sa pagkakaroon ng iba’t ibang kumplikasyon sa kalusugan.

Kaya sinabi ng mga dalubhasa na mas okay ang pagkakaroon ng “pear-shaped” na katawan kaysa sa “apple-shaped”.

Kaya para sa mga beshy natin na worried masyado dahil malaki ang kanilang balakang, dehins n’yo na kailangang mag-alala, okie? Basta make sure lang na kung ano ang inilaki ng inyong balakang, eh, ‘yun naman ang iniliit ng inyong tiyan dahil kapag nagkataong pareho itong malaki, magiging delikado pa rin ang inyong kalusugan. ‘Yun lang!

Samantala, ang payo ng mga eksperto sa mahihilig mag-workout na walang sinusunod na guidelines o ‘yun bang, trip-trip lang, mas mainam kung mayroon kayong coach tuwing nag-eehersisyo kayo nang sa gayun ay magkaroon kayo ng magandang posture.

Makatutulong ang sit-ups, push-ups at planking para magkaroon tayo ng abs at hindi ng tabs (taba). He-he-he!

Mainam din kung kakain tayo ng mga gulay at prutas. Alam n’yo na, ha?

Oh, ayan mga beshy, oks lang na masabihan tayo na malaki ang balakang kaysa naman malaki ang tiyan. Char!

Be healthy always at alisin na ang insecurities sa katawan.

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page